How to Move On?

For You Basang A,

Kung bigo ka sa pag-ibig ngayon at gusto mong maka move-on, basahin mo ito. Sana may makukuha kang aral galing dito.

Araw Na Nagpm ka Bungad mo, Father Paano po ba Mag Move-on? Ang Hirap Hirap Po Kasi.Ang pagdudusa sa pagkabigo ng pag-ibig ay isa sa mga pinakamasakit na mangyayari sa buhay ng isang tao. Mga masasakit na salita at paalam galing sa taong mahal mo, lahat ng mga pangyayaring ‘di mo inaasahan na dadating ay dumating na lalo kung IKAW YONG NAGKAMALI NA SIYANG NAGING DAHILAN NIYA KAYA AYAW KA NA NIYANG BIGYAN NG CHANCE. Lahat ng kinakatakutan mo noon nung kayo pa ay nangyari na ngayon. Mga ala-ala ninyong dalawa ay kailangan mawala na. Mga pangako niya na napako na ngayon. Pinakaayaw nating lahat kapag nabigo ang tao sa pag-ibig ay siguradong may magbabago. Magbabago ang isang tao. Magbabago ang lahat, ang kilos ng isang tao at mga pananalita nila. Hindi mo alam kung ano ang gagawin mo.

Ni minsan nga mapapatanong ka nalang sa sarili mo kung kaya mo ba at kung paano ka makalimot sa taong noon ay palagi kang pinapasaya at ngayon ay sinasaktan ka na. Marami kang mga tanong na ‘di mo alam ang mga sagot. Ngayong wala na siya, wala kang ideya kung paano ka makakasurvive nito. May mga malapit na kaibigan ako na nakaranas na ng pagkabigo sa pag-ibig at masasabi kong ang pagmo-move-on ay mahirap dahil nabigo na rin ako...😒 Maglalahad ka ng maraming oras para maka move-on. Ni minsan pa nga, aabot ito ng ilang buwan o di kaya taon para makamove-on ang isang tao.

“Mahirap pero kailangan” salitang naririnig ko. Mahirap nga pero kailangan para sa ikakabuti niya at sa iyong sarili. Madaling magmahal pero mahirap magmove-on diba? Pero kung gusto mo talagang makamove-on kahit mahirap pa ‘yan, makakaya mo rin yan. ‘Di lang ito steps para maka move-on ka kundi steps rin ito para ‘di ka makakaranas ng depresyon.

Ngayon ang tanong, paano nga ba mag move-on sa isang tao? Narito ang mga steps na minsan naapply ko na sa sarili ko.

  1. Katapusan. Dapat meron kayong katapusan o closure para di kana aasa pa. Importante ito para makasigurado ka sa lahat ng mga bagay. Baka aasa ka pa sa sinasabi ng iyong utak na “baka”, “what ifs” at “siguro” At para masigurado mo na tapos na talaga kayo at para makakapagsimula ka na ng bagong buhay.
  2. Tanggapin. Alam mo na diba na hindi na siya babalik pero bakit ka pa rin naghihintay? Naghihintay ka lang sa wala. Tanggapin mo. Tanggapin mo na wala na kayo. Tanggapin mo ang katotohanan na wala na talaga siya at hanggang doon na lang. Siguro hindi kayo para sa isa’t isa pero ‘wag kang mag-alala, may dadating rin na para talaga sayo sa tamang panahon. Kailangan mong tanggapin ang lahat.
  3. Ibahagi. ‘Wag mong itago ang iyong nararamdaman. Kailangan mong ibahagi ‘yan sa iyong mga kaibigan para ma bawas-bawasan ang sakit. Ibagahi mo sa tamang tao at sa tamang oras. ‘Wag kang matakot umiyak, iiyak mo lang ‘yan, ipalabas mo ang lahat ng mga sakit pero ‘wag mong araw-arawin dahil masama na yan sa iyong kalusugan.
  4. Magpatawad at kalimutan. Sa lahat ng ginawa ng ex mo o sa ginawa niya na nagdulot ng inyong paghihiwalayan, patawarin mo siya. Oo, mahirap lalo na’t iisipin mo kung “bakit? Bakit niya nagawa ‘yon?” Patawarin mo siya dahil hindi ka makakamove-on kung may galit ka pa sa kanya. Humingi ka rin ng tawad dahil meron ka ring mga pagkakamaling nagawa at mga pagkukulang. Kung ano ang nangyari sa nakaraan ay dapat kalimutan mo na. Kalimutan mo ang lahat dahil tapos na ‘yon at wala ng dapat balikan pa. Ipagpatuloy mo lang ang iyong buhay. Makakalimot at magiging masaya ka rin.
  5. Iwasan ang pakikipagkomunikasyon sa kanya. Kung maaari, wala kayong koneksyon sa isa’t isa para makakamove-on ka. Burahin mo number niya. Kung gusto mo siyang e block sa social media accounts mo, e block mo. Huwag kang makikipag-usap sa kanya para hindi kana aasa. Pero pwede naman kayong manatiling magkaibigan kung kaya mo.
  6. Huwag na huwag mo siyang isipin. Oo, huwag mo siyang isipin. Mahirap nga pero wala tayong magagawa, nahulog ka sa kanya eh. Huwag mog ikulong sarili mo sa kakaisip sa kanya. Memories are memories. E delete mo lahat ng pictures niyo o di kaya ilagay mo lahat ng memories ninyo sa lugar kung saan mache-check mo ulit kung kailan handa ka na. Isipin mo nalang ang ibang bagay. Humanap ka ng bagong pag-aabalahan sa buhay.
  7. Gawin mo ang mga bagay na nagpapasaya sayo. Gawin mo ang mga bagay na alam mong doon ka sasaya. Kung gusto mong kumain, kumain ka ng mga paborito mong pagkain. Kung gusto mong manood ng sine, manood ka. Maglibang ka pero dapat hindi yung makakasira sa iyong sarili at sa iyong kinabukasan. Kung mag mumukmok ka lang, ‘di mo naman maiiwasang isipin siya diba? Kaya panahon na para e enjoy mo ang mga bagay na nagpapasaya sayo.
  8. Mahalin mo ang sarili mo. Mahalin mo muna sarili mo bago ang iba. Kung magmamahal ka, ‘wag mong ibigay ang lahat, magtira ka sa sarili mo. Huwag ibaba ang tingin sa iyong sarili para mahalin ka niya. Isipin mo kung ano ang nakakabuti para sayo. Huwag mong isisi lahat sa sarili mo dahil sa una pa lang, di mo naman yan ginusto. May mga bagay lang talaga na kailangan ng ihinto dahil alam mong hindi na ito gagana.
  9. Huwag kaawaan ang sarili. Huwag mong kaawaan sarili mo dahil magdudulot ito ng depresyon, natural lang ang masaktan dahil nagmahal ka eh. At huwag mo ring kaawaan siya dahil kung maaawa ka sa kanya, may malaking posibilidad na babalik yung feelings mo. Kaya mag concentrate at mag pokus ka sa pagmomove-on.
  10. Magpakatotoo ka. Bigyan mo ang iyong sarili ng maraming oras at effort para mas magiging mabuti at matinong tao ka. Magiging masaya at maging kontento ka kung ano ang meron ka ngayon. ‘Di mo naman kailangan ng ibang tao sa tuwing walang wala kana dahil malakas ka at ikaw lang ang makakatulong sa iyong sarili. Huwag mong iisipin na hindi mo kaya, dapat kakayanin mo.
  11. Maghain ng maraming oras kasama ang iyong pamilya at kaibigan. Ibigay mo ang iyong oras kasama ang pamilya at mga kaibigan mo. Magbonding kayo, ‘wag mong sayangin ang mga panahon na sila yung kasama mo, mas masaya kung nandyan sila sa tabi mo. Makinig ka sa mga advices nila dahil ‘yan ang makakapagmotivate sayo para maka move-on ka. E treasure mo sila at ipakita mo na mahalaga sila sayo.
  12. Magdasal. Magdasal ka at humingi ka ng tulong sa ating Panginoon. Ipagdasal mo na sana magiging okay na ang lahat pero dapat tutulungan mo muna sarili mo. Palagi mong tatandaan na walang imposible lalong lalo na sa mata ng Diyos. Pantay pantay tayong lahat. Pagsubok lang ito sa iyong buhay, ‘di yan ibibigay ng ating Panginoon kung mo kaya. ‘Di ka pababayaan ng ating Panginoon at mas magiging malakas ka sa huli.
  13. Isipin mo palagi ang positibong bagay. Isipin mo ang mga postibong bagay. Kung maaari, magbasa ka ng mga inspirational quotes para may gana kang magmove-on. Huwag kang mag-iisip ng mga negatibo dahil magdudulot lang ito sa depresyon at anxiety. Isipin mo rin na hindi pang habang buhay ang sakit na dinadama mo at hindi pa yan katapusan ng mundo.

Huwag mong madaliin ang pagmove on. Just let it be kasi wala namang bagay na napagtatagumpayan ng madalian. Kung makakamove-on kana, ‘di mali ang magmahal muli.
Dadating ang araw na may taong magmamahal sa atin gaya ng pagmamahal na ibinigay natin sa kanila. Sa panahon ngayon, mahirap na humanap ng matinong tao kaya kung may dadating sayo, mahalin mo siya ng tama. Pag di ka naniniwala sa forever, okay lang, may lifetime naman. Basta palagi mong tatandaan na kung magmamahal ka, siguradong masasaktan ka rin. Magkatabi lang talaga ang love at pain.
Hindi mo matatawag na love kung hindi ka masasaktan. Kung nasaktan ka, atleast may natutonan ka rin. Learn from your mistakes. Kung nagkamali ka, ituring mo yan na mga lessons mo sa buhay. Tayong lahat ay nakaranas na ng pagdudusa sa pagkabigo ng pag-ibig at nahihirapan tayong magmove-on. Pero sa huli, natuto pa rin tayong magparaya para di tayo makukulong sa ating damdamin. At dapat alam mo kung kailan kq hihinto dahil ‘di na ito worth it para sayo. Dapat alam natin ang ating kahalagahan bilang isang tao. Kapag hindi nakikita ng isang tao ang ating kahalagan, ‘wag na nating ipilit ang ating sarili sa kanila. Kung sawi ka ngayon at nababasa mo ito, stay strong. Magiging okay din ang lahat, ‘di pa ngayon pero sooner or later. Magtiwala ka lang sa sarili mo, kung kaya nila kaya mo rin at ‘wag na ‘wag kang mawalan ng pag-asa. Gawin mo lahat ng iyong makakaya, sa huli mawawala rin lahat ng mga sakit at magiging masaya ka ulit. Huwag kang mag-alala, ang totoong pag-ibig ay nakakapaghintay. Kusang dadating yun sayo sa tamang panahon. Kaya spread the love and never give up. Makakamove-on ka rin.

Sana makakatulong ito sayo kahit papaano at sana gagaan ang loob mo pagkatapos mong basahin ito. At sana may natutunan ka. Yun lamang at maraming salamat sa iyong pagbabasa, hanggang sa muli. Pagpalain ka sana ng Panginoong Diyos. 🙏✝️🙏

Leave a comment